Miyerkules, Disyembre 14, 2016

Ang Aking Kwento

Ako si shiela Marie Diane s. Besana na kasalukuyang  nakatira sa sampaloc manila ako ay 20 taong gulang . na kumukuha ng kursong Bachelor of science in information technology akoy 3rd year college na. Ang nagtutustus ng aking pag aaral ay ang aking mga magulang na sina jose maria Besana cirila Besana ako ay nag iisang anak nila sa ibang tawag at unicaija. Ang trabaho ng aking ama ay security guard ang aking ina naman ay saleslady sila ay 17 taong kasala ng aking pag rerebelde ako ay nag karoon ng supling nahinto ang aking pag aaral ng isang taon. Sa kabutihang palad pagkatapos kung manganak akoy pinag aral ulit ng aking mga magulang tinustusan padin nila ang making tuition kaya hanggang ngayon patuloy padin akong nag aaral.

Si Pilandok at si Somuson

Dumating si Somuson sakay ng isang kabayo. Sinipat mabuti ni Somusan ang natutulog na si Pilandok at nagwika.
“Ano ang ginagawa mo iyan?”
“Binabantayan ko ang mana’t mga damit ng sultan” mabilis na sgot ni Pilandok.

“Anong mana iyan?” wika ni Somuson.
“Isang batingaw.” Ang sagot ni Pilandok.
“Pwede ko bang patunugin iyan?” tanong ni Somuson.
“Parang pinatay mo na rin ako,pag ginawa mo iyan.” Ang mariing sagot ni Pilandok.

Biglang sumambulat ang mga naglalakihang pukyutan at nilusob si Somuson, nawalan ito ng malay dahil sa mga tinamong masasakit na kagat. Bigla, may dumating na mga mandirigma at dali=daling dinala si Somuson sa Solotan para ipagamot.
Isang araw sa malayog paglalakbay, naisipan ni Pilandok ang mamahinga a ilalim ng puno. Mabilis na napuna ni Pilandok ang tila hugis na kampana ng bahay-pukyutan mula sa punong ito. Dito niya naisipang tumapat at natulog.
Sa hangaring malaman at marinig ito, sinabi ni Somuson na handa siyang magbigay ng isang sakong ginto kay Pilandok.
Dahil sa malaking yaman, pumayag si Pilandok ngunit sa isang kundisyon.
“Anong kundisyon?” sabik na tanong ni Somuson.
“Lalayo muna ako bago mo patunugin ang batingaw.” Masayang sabi i Pilandok.

Mabilis na lumayo si Pilandok . Kaagad na dumampot ng sangang laglag at pinalo ang bahay-pukyutan.

Si Pilandok at ang Manok na Nangingitlog ng Ginto

Si Pilandok ay matalino at wais. Bukod doon ay napakabilis rin niyang tumakbo.Kampeon siya sa takbuhan.Isang araw ay may dumating na mga katutubo sa bayan nina Pilandok. Ang sabi ng mga ito ay tumakas sila sa malupit na sultan. Nagpatulong ang mga katutubo na iligtas ang kanilang mga mahal sa buhay. Nangako siPilandok na tutulungan sila.Ayaw ni Pilandok na may naaapi. Noon din ay pinuntahan niya ang lugar ng sultan. Maydala siyang isang inahing manok.Pinagkaguluhan si Pilandok ng mga tauhan ng sultan nang ipakita ang kaniyang manok na nangingitlog ng ginto. Nakarating sa sultan ang balita. Naging interesado ito sa manok. Dinala ng mga tauhan siPilandok sa kanilang sultan.Ani Pilandok ay ibibigay niya sa sultan ang manok kung palalayain muna nito ang lahatng mga katutubo.
Pinalaya ng sultan ang mga katutubo. “Ngayon, ibigay mo sa akin ang iyong manok,”
ang utos ng sultan kay Pilandok.
“Iyan ay kung maaabutan mo ako,” hamon ni Pilandok sa sultan saka tumakbo nang ubod
bilis. Hinabol siya ng sultan. Nahulog mula sa bulsa ni Pilandok ang itlog na ipinakita niya sa mga tauhan ng sultan.Pinulot iyon ng sultan.Gayon na lang galit ng sultan nang makitang hindi totoong ginto ang itlog. Naisahan siyani Pilandok.Samantala ay masaya ang mga katutubo. Nagpasalamat sila kay Pilandok dahil Malayana sila

Martes, Disyembre 13, 2016

MAGKAIBANG MUNDO

Paano ba masusukat ang isang pag-iibigan? Tatagal ba ito kung hindi naman kayo magkasama sa lahat ng oras? O kaya pinaglayo ng tadhana? Posible bang mawala din kusa ang tamis ng pagmamahalan...ang init ng suyuan?


Para kay LEE, walang imposible sa pag-ibig kung may tiwala lang sa isa't-isa...at kung tunay ang nilalaman ng puso para sa minamahal. Dahil kahit nasa'n ka man naroon at kahit gaano man katagal mawalay sa piling ng mahal mo, kung tunay ang bawat pintig at tibok ng puso, sa muling pagkikita ay wala pa ring pagbabago sa damdamin ng bawat isa. Muli pa ring mararamdaman ang init ng bawat higpit ng yakap at lambing at tamis ng bawat halik.


Matagal na silang magkalayo sa isa't-isa. Halos limang taon na rin. Si Maricar ay isa ring OFW sa Dubai. Si Lee naman ay isang taon na dito sa Taiwan.Ramdam pa rin niya ang sakit na nadama ng magpasyang makipagsapalaran sa ibang bansa ang kanyang mahal.


Kaysakit ...nasa dibdib pa niya ang kirot ng pagpapaalam na iyon.


Kasabay ng pag-agos ng mainit na luha, iniwan siya ng kanyang minamahal na dala ang mga pangarap na hinabi ng kanilang pag-iibigan.Isang mainit at kayhigpit na yakap ang tanging pabaon niya...na hanggang ngayo'y naaalala niya sa kanyang pag-iisa.


Taong 2005.

Sa kagustuhan niyang mapadali at makaipon agad para sa katuparan ng pangarap nila, nagbakasakali siya na mahanap sa ibayong dagat ang kasagutan ng katuparan ng mga pangarap na iyon. At dito sa Taiwan siya ipinadpad ng tadhana.


Kaylungkot ng bawat araw na umusad....Kayhirap magpalipas ng isang magdamag na wala sa tabi ang minahamahal at nagmamahal.Kayraming tukso ang sumubok sa kanyang kalungkutan...ngunit daig ito ng matinding pag-ibig para sa tanging babaeng nagpatibok sa puso niya.Dahil ang tanging nasa diwa't puso niya...kahit pa nasa magkaibang bahagi ng mundo...di pa rin siya humihinto sa pangangarap na sa dulo ng kayhaba at kayhirap na pinagdadaanan nila ngayon, sila pa rin ang itinadhana at minsan pa'y ipagpapatuloy ang nasimulang pagmamahalan.


At tuparin ang kanilang mga pangarap na binuo ng tunay na pag-iibigan. At sa pagkikitang iyon, hinding-hindi na niya papayagan pang muling sila'y magkalayo hanggang......wakas.

BESTFRIEND

May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t isa.Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan”.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.”may panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John.Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na din si Marjorie.Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss you.”nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili.
“Anong ginagawa mo dito?”matamlay na tanong nito.” tanong ni Marjorie.Gusto kong makita ka bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.”Mahalaga kasi mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko naituloy ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.Araw na ng kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay John.”Hi pare, nakita moba si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod na ito.
Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa “A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay MArj ang drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni John.

Pambansang Pintor

“Anak,” malumanay at wari’y bantulot na wika ng ina kay Fernando. “Kailangang makapagpatuloy ka ng pag-aaral. Ang iyong tiyo lamang ang makatutulong sa atin para makapag-aral ka. Papayag ka ba na tumira sa Tiyo Fabian mo?”
“Opo, Nanay,” walang atubiling tugon ni Fernando. “Kayo po ang masusunod; kaya lang magkakalayo po tayo.”
“Hindi bale, Anak, madadalaw naman kita paminsan-minsan,” wika ng ina na pilit pinasasaya ang mukha.
Maglalabindalawang taon na si Fernando Amorsolo nang magsimulang tumira siya sa kanyang Tiyo. Pinapag-aral siya sa Liceo de Manila. Sa isang paligsahan sa pagguhit, nagkamit siya ng unang gantimpala at pangatlong gantimpala naman sa aritmetika.

Ang kanyang angking talino sa pagguhit ay lalong naging matibay pagkat sa tuwi na’y namamasid niya ang mga paraan sa pagguhit ng kanyang Tiyo Fabian na may pangalan na rin sa larangang ito.
Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at isa siya sa kauna-unahang nagtapos ng sining sa pagguhit noong 1914. Nakita ng isang pilantropo na si G. Enriquez Zobel ang kakayahan ni Fernando sa pagguhit, kung kaya’t siya’y pinagkalooban ng libreng pag-aaral sa Espana.
Ang iba’t ibang pagkakataong makapag-aral sa ibang bansa ay nabuksan sa kanya dahil sa kaakit-akit na mga likha niya. Ang karaniwang paksa niya ay ang mga tanawing bukid, makasaysayang pangyayari at iba’t ibang mga larawan ng tao tulad ng isang matanda o mayuming dalagang nayon.
Kapuri-puri ang kasanayan niya sa pagbibigay pansin sa pinanggalingan ng liwanag sa mga iginuguhit niya. Ito ang dahilan kung bakit naiiba ang kanyang mga likha at ipinahayag na siya ang pintor noong mga pandalampuang taon (1920’s) hanggang sa sumunod na mga taon pa.
Naging director siya ng School of Fine Arts ng Pamantasan ng Pilipinas hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1957. Ang kanyang naiwang mga alaala na bunga ng sipag at pagtitiyaga ang siyang susi sa pagiging isang Pambansang Pintor.



Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“


Pulong Ng Mga Hayop

Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat ng kanyang kampon para malaman niya ang kayang gawin ng bawa’t isa.
Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na sila ay may higit na kakayahan kaysa iba.
Sabi ng kalabaw, “Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil nakahihila ako ng mabibigat na dala-dalahan.”
Sabi ng bubuyog, “Nakagagawa ako ng pinakamatamis na pulut-pukyutan.”

Wika naman ng usa, “Walang makatatalo sa bilis kong tumakbo.”
Sabi ng aso, “Binabantayan ko gabi’t araw ang bahay ng aking amo.”
At nagturing din ang pusa, “Ang dagang kumakain ng palay ng amo ko ay aking nililipol.”
Ang manok ay nagtanong, “Kaya ba ninyong umitlog? Pang-almusal ng tao’y araw-araw kong ibinibigay.”
Tumingin ang hari sa ibon. “Hindi ka nagsasalita, munting ibon. Ano ang kaya mong gawin?”
“Umaawit po ako,” sabi ng ibon, “para sila’y maging masaya habang sila’y may ginagawa.”




Si Mario, Si Ana, At Ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang malaking isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo, bigla itong nagsalita, “Huwag!” Muntik nang mahulog sa bangka si Mario sa malabis na pagkagulat.
“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan,” sabi ng isda, na nagpipilwag.
Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang isda, “Ano ka ba, impakto?”
“Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na naatasang magbantay dito sa malapit sa pampang. May kapangyarihan ako – mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa tubig at ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.”
Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan niya. Lagi itong inirereklamo ng asawa dahil sa kaliitan. “Nais ko ang malaking tirahan,” sabi niya sa isda.

“Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo ang iyong malaking tahanan,” sabi ng isda na kaagad namang ibinalik ng lalaki sa tubig.
Hindi lang malaki ngunit tila palasyo ng hari sa gara ang nadatnan niya. “Sa palagay ko, hindi na ako aawayin ni Ana. Malaki na ang bahay namin.”
Nguni’t hindi pa pala nasisiyahan ang asawa. “Hulihin mo uli ang isda. Sabihin mong walang mga kasangkapan. Dapat ay iyong magagandang mesa, silya, kama at mga dekorasyon sa bahay.”
Palibhasa’ y takot sa babae, bumalik si Mario sa dagat at namingwit. “Sana’y huwag ko na siyang mahuli para hindi na ako makahingi. Nakakahiya naman ang asawa ko,” bulong niya sa sarili.
Nagkataong lumalangoy pala sa malapit ang malaking isda at nang makita si Mario, ito’y lumukso sa kanyang bangka. “Ano, kaibigan, nagustuhan mo ba ang bahay mo?”
“Oo nga, maraming salamat. Nguni’t nakikiusap ang asawa ko, kung maaari raw, mabibigyan mo ba raw kami ng mga kasangkapan?” nahihiyang tanong ng mangingisda.
“O, sige. Bumalik ka na sa inyo at naroon na ang mga hinihiling ng asawa mo.”
Natitiyak ni Mario na matutuwa na ngayon si Ana. Malaking biyaya na talaga ang ibinigay sa kanila ng isda. Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng asawa sa pintuan.
“Balikan mo uli ang isda. Humingi ka naman ngayon ng magagarang alahas at magagandang kasootan. Nais kong makita ng lahat dito sa bayan natin na tayo ang pinakamayaman dito,” utos ng babae sa asawa, na alam niyang hindi kayang sumuway sa bawa’t sabihin niya.
Hiyang-hiya si Mario na humarap uli sa isda, na madali niyang nakita sa pampang na pinaglalagian nito. “Nakakahiya sa iyo,” halos hindi niya maibuka ang bibig, “ngunit may hinihingi na naman ang asawa ko.”
Matagal na hindi sumagot ang isda, parang nag-iisip. Kapagkaraka ay nagsalita, “Nakikilala ko na kung ano ang uri ng pagkatao ang asawa mo. Isa siyang sakim at walang pakundangang babae. Hindi siya marunong mahiya, at hindi rin siya mabait na asawa. Parurusahan ko siya. Kukunin ko uli lahat ng naibigay ko na sa kanya.” Lumukso sa tubig ang isda at matuling lumangoy papunta sa laot.
Nang umuwi si Mario, nakita niya si Ana na nakaupong umiiyak sa hagdang kawayan, ng dati nilang dampa.